Sa unang linggo ng December ay aalis ang beauty queen turned host na si Venus Raj papuntang Japan para mag-taping sa panibagong season ng programa niyang Business Flight.
Pagkatapos ay lilipad naman siya papuntang London para manood ng Miss World at pagbibigay-suporta na rin daw niya sa kandidata ng Pilipinas na si Valerie Weigmann.
Naniniwala naman si Venus na malaki ang posibilidad na maiuuwi ni Valerie muli ang korona ng Miss World para sa Pilipinas.
Ayon kay Venus, “Liyamado talaga si Val. Kasi, una, model talaga si Val even before."
Dagdag pa niya, "The face is very beautiful. She’s trainable, sobrang laki ng pinag-improve niya, sa katawan niya. The way she speaks, she’s very intelligent. She speaks different languages.”
“And, siyempre, may first-hand training siya kay Megan [Young] na Miss World natin. So, parang malaking package yun para sa kanya."