Ang Bayabas.....Bow!

  • 0 replies
  • 115 views
*

OMG

  • *****
  • Administrator
  • 139194
    • View Profile
    • Mikey Gatal Worldwide
Ang Bayabas.....Bow!
« on: November 29, 2018, 06:55:41 AM »
Isang gabi si Juan at Pedro ay nagnakaw ng mga bayabas sa kanilang kapit bahay at napagpasyahang hatiin ang mga yon sa seminteryo para walang makakita sa kanila.

Habang papaakyat sa gate ng seminteryo ay nahulog ang dalawang bayabas...

Pedro: Juan nahulog yung dalawang bayabas!
Juan: Balikan nalang natin yun mamaya pag uwe.
Pedro: Sige sige...

Habang pinaghahatian ng dalawa ang ninakaw na bayabas ay papauwi naman si Kulas na lasing at doon din sa may seminteryo ang daan...

Juan: Isa sayo.. Isa sakin... Isa sayo... Isa sakin...

Kinabahan si Kulas sa kanyang narinig at nawala ang kanyang lasing at dali daling nagtungo kay Father.

Kulas: Father, Father narinig ko po si Lucifer at ang kanyang kampon na pinaghahatian ang mga patay sa seminteryo!

Dahil sa gustong malaman ng pari kung totoo nga ang sinasabi ni Kulas ay agad silang nagtungo sa sementeryo...

Juan: Isa sayo... Isa sakin... Isa sayo... Isa sakin...

Kinilabutan at nagtaasan ang balahibo ng pari sa kanyang narinig at lumapit pa ng mabuti sa gate upang mas lalong maring ang pinaghahatian ng dalawa.

Juan: Last nato... Isa sayo... Isa sakin!
Pedro: Hah? Eh paano yung dalawa sa labas ng gate???

Pari: Kulas!!!
Kulas: Bakit ho Father?

Pari: Taaaaaaaaakkkkkbbboooo!!