basahin pls.URGENT!

  • 4 replies
  • 899 views
basahin pls.URGENT!
« on: May 02, 2008, 05:09:44 AM »
Take time  to read....it's cute!!! ...Ang galing ni  Bebeng!!!

Registered  nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay  ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si  Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa. 

Pagdating  ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa  salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan...  hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng  inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May  sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman  ng liham na mula kay Bebeng:


Mahal kong  tatay at mga kapatid: 

Pasensya  na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil  napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na.  Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay  ang mga sumusunod...

Nasa likod  ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang  adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa  loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni  nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi  natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni  ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. 

Ate,  nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards  at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang  Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin  ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na  panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa  party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay,  kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at  'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang  tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay  para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro  lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner  at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra  (Victoria's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick  lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong  zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako  nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong  na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili  na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail  cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot- suot din ni nanay. Kunin mo na rin  agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.   

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3  diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na  ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami  pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang  maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo  lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. 

Balitaan  ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko. 

Nagmamahal,
Bebeng


*

angeline

  • 976
  • this is me..
    • View Profile
Re: basahin pls.URGENT!
« Reply #1 on: May 02, 2008, 07:47:30 AM »
grabeh ang mga chokolate nasa puwet ng inay nya? eh di natunaw ng mga yun di ba?
the real me..

Re: basahin pls.URGENT!
« Reply #2 on: May 02, 2008, 07:53:14 AM »
hahahaha na ka frozen ;D

*

angeline

  • 976
  • this is me..
    • View Profile
Re: basahin pls.URGENT!
« Reply #3 on: May 02, 2008, 07:56:46 AM »
hahahaha na ka frozen ;D

ang patay siguro mainit init pa di ba?eh di parang tae na ang labas ng chokolate
the real me..

Re: basahin pls.URGENT!
« Reply #4 on: May 02, 2008, 08:01:53 AM »
hahahahha matagal na yan  sinakay na nga sa eroplano eh!