Regine ipapalit sa tsutsugihing show ni Iza Calzado sa GMA

  • 0 replies
  • 1093 views
Regine ipapalit sa tsutsugihing show ni Iza Calzado sa GMA 
By: Noel Asiñas 
Cut!

AYAW na munang tumanggap ni  Lani Mercado ng soap ngayon.Naka-concentrate siya  sa programang Moms na napapanood  araw-araw sa QTV 11, 5 to 6 p.m. Twice a week lang ang taping  nito at enjoy  siya sa huntahan kapag tungkol sa pamilya ang usapan.
   
Wika ni Lani sa presscon ng Moms: “Ayoko ko muna ng soap. Okay na sa kin ‘yung na-experience ko sa  Lupin at Marimar na halos hindi na ako makauwi ng bahay. Pati paliligo ko ay sa bahay pa ng kapatid ko dahil wala na akong oras  sa  sunud-sunod na taping.
   
“Okey na sa akin ang Moms, masaya ang usapan  namin dito at saka twice a  week lang ang taping ko. kapag tungkol sa pamilya.  Gusto ko namang makapiling ang aking mga anak at ang buong pamilya ko.”
 
Sa ngayon busy ang pamilya ni Lani sa preparasyon para sa  kasal ng kanyang eldest daughter na si Inah Revilla sa boyfriend nitong si Vince del Rosario sa  May 28 sa Manila Cathedral.
   
‘Di pa masabi ni Lani kung sino ang magiging pangunahing ninong at ninang ng bagong kasal. Ayon kay Lani, ipinauubaya na niya ito sa  kanyang anak at manugang.

* * *

SI  Sherilyn Reyes naman ay gustong tutukan ang pa-milya at mga anak. Kaya Moms lang din ang kanyang tinanguang programa kahit maraming offers siyang natatanggap mula nu’ng magkontrabida siya sa My Only Love.
   
“Kulang na ang oras ko sa pamilya ko. Gusto kong ako ang maghatid sa anak ko sa school. ‘Yung panganay ko’y  sa La  Salle Greenhills at ang bunso ko’y sa Xavier School .
   
“Pero  ngayong bakasyon ay kumuha na kami ng driver dahil maraming activities ang mga bata,” kuwento pa niya.
   
Busy rin ang husband niya  sa petroleum business ng kanilang pamilya. Bukod pa rito’y nagma-manage ng player sa PBA ang asawa. Kumukuha si Chris Tan ng mga players sa U.S. na maglalaro sa PBA.
   
Dahil hindi na hectic ang schedule ni Sherilyn nga-yon, feeling ng actress ay tumataba na  siya. Unti-unti siyang lumalapad ngayon.

* * *

BALIK-Bubble Gang si  Dennis Trillo pagkatapos niyang magsyuting sa  Europe ng ITALY with Jolina Magdangal.
   
Totoo nga kayang magiging semi-regular na sa programa si Dennis?
   
Posible kasing siya ang   pumalit kay  Mark Herras na  ngayo’y super busy  sa sunud-sunod na assignment sa soap opera.
   
Kasamang  panauhin ni Dennis sa Bubble Gang   si Rhian Ramos, na balitang contender para  ipalit kay Ara Mina sa show.

* * *

Aba , super lakas ng Dyesebel, inilampaso nito ang kalabang programa  sa kabilang network dahil nakakuha ito ng  44.9%  rating sa  initial airing nito last Monday.

Trend setter na ito sa taas ng ratings. Hindi pa mandin lumalabas nang tuluyan dito sina Marian Rivera bilang Dyesebel at Dingdong Dantes bilang si Fredo, eh, grabe na ang taas ng rating.
   
Mas mataas pang ratings ang inasahan sa pagpasok ng character ni Marian sa soap.

* * *

TUTOK na kayo sa ESP dahil dalawang linggo na lang itong mapapanood sa TV.  Sa May 15 ay papalitan na ito ng bagong programa ni  Regine Velasquez, ang The Songbird Sings. Bibigyang buhay ni Regine ang iba’t ibang kanta ng mga sikat na singer sa bawat episode nito. Samantala, ang ESP ay hindi makakalimutan  ng televiewers dahil sa kakaibang takbo ng istorya nito na  ngayon lang tinalakay sa telebisyon.
   
Ang drama anthology ang nagbigay sigla sa mga taong mahilig sa suspense at katatakutan  na tinatampukan nina  Iza Calzado, Alfred Vargas at Francine Prieto.