Sexy, controversial actress mahilig makipaglaplapan sa party

  • 4 replies
  • 1559 views
Sexy, controversial actress mahilig makipaglaplapan sa party 
By: Ryan Ponce Pacpaco 
TRIP rin ng isang mahilig na aktres na makipaglaplapan ng dila sa mga napupuntahan nitong party kahit sabihing maraming mga nakakakita sa kanyang kalaswaan.
   
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na kilabot talaga ang aktres sa mga espesyal na private party dahil gumagawa ito ng nakakahiyang eksena doon.
   
“Mahilig siyang makipaghalikan.  Talagang hindi siya nahihiya, parang isang shooting lamang na kinukuhanan ng camera ang nakakahiyang eksena ng kanyang kalaswaan,” anang source.
     
Inihayag ng source na mistulang main attraction na ang pag-eksena ng aktres sa private party ng kanilang hanay kung saan alak ang mistulang stimulator nito para makipaghalikan.
   
“Umiinom rin kasi kaya kapag nasenglot, nakikipaghalikan iyang aktres na iyan.  Hindi na nahiya sa kanyang estado bilang isang babaing may pananagutan na sa buhay,” anang source.
   
Nalaman sa source na talagang bigay na bigay ang aktres sa mga lalaking natitipuhan nito at hindi rin naman talaga inuurungan ang kanyang maladiyosa ng kagandahan na dating.
   
“Hindi puwedeng tanggihan ng mga kalalakihan ang kanyang alindog na nakakasira talaga ng ulo.  Kapag natipuhan ang lalaki, okay na sa kanya iyun,” anang source.
     
Magugunitang hindi mapigil ng aktres na minsang naghabol sa isang senador ang espesyal na paggimik sa piling ng opisyal ni Pangulong Arroyo na nag-ukol dito ng “punong-punong” pagmamahal kahit nakaratay sa ospital ang kanyang mister.
           
Mistulang hindi umano kumukupas ang “init” sa katawan ng aktres kaya naman madalas masabit ang pangalan nito sa mga nakakapasong romansa habang talagang “punong-puno” rin ng salapi ang bulsa ng bagong lalaki nito na mula sa kilalang angkan na nagsisilbi sa pamahalaan.
   
Sikat na sikat ang aktres lalo na noong kanyang kabataan at talaga namang idolong-idolo daw ng mga binatilyong naghahanap ng “unang karanasan” sa babae.
   
Naging kontrobersiyal ang pagkatao nito kung saan nakaladkad rin ang kanyang pamilya sa sangkaterbang alingasngas na pinasok ng masalimuot na buhay pag-ibig nito.
 

*

jinkyjane

  • 950
  • I am 'Never Plain Jane'...
    • View Profile
    • Jinky Jane
Re: Sexy, controversial actress mahilig makipaglaplapan sa party
« Reply #1 on: May 03, 2008, 02:24:15 AM »
Siguradong hindi ako ito. Ibang aktres yan, I swear!
"When I reach the place of my dreams, I will thank my failures and tears. They too, kept me going..." ~ Dodinsky (In My Garden of Thoughts)

Re: Sexy, controversial actress mahilig makipaglaplapan sa party
« Reply #2 on: May 03, 2008, 03:05:09 AM »
Siguradong hindi ako ito. Ibang aktres yan, I swear!

hahaha..parang  apiktado ka  masyado ha?

Re: Sexy, controversial actress mahilig makipaglaplapan sa party
« Reply #3 on: May 03, 2008, 12:58:48 PM »
ako rin mahilig mkpaglaplapan..lols

Re: Sexy, controversial actress mahilig makipaglaplapan sa party
« Reply #4 on: May 03, 2008, 09:45:06 PM »
sarap non ;D