Anne, naglakad nang hubo’t hubad

  • 0 replies
  • 2007 views
Anne, naglakad nang hubo’t hubad
« on: May 05, 2008, 10:08:14 PM »
Anne, naglakad nang hubo’t hubad 
By: Gerry Ocampo 
Hot Shots

IKINAGULAT ng mga nanood ng concert ni Richard Poon sa Music Museum ang ginawang paglalakad nang hubo’t hubad ni Anne Curtis sa gubat.
   
Bago kasi simulan ang concert, ipinakita muna ang teaser ng Diyosa, bagong teleserye ni Anne sa Dos, kung saan isang babaing mahaba ang buhok ang naglakad nang hubo’t hubad sa gubat.
   
Nang lumingon ang girl, doon lang nabatid ng audience na si Anne pala ’yon.
   
Grabe, kinabog ng Diyosa ang ginawang pagpapaseksi ni Anne sa When Love Begins ni Aga Muhlach, ha. Aba, kung totoong siya ’yon at hindi body double, sa ayaw at gusto ni Anne,  siya na ang bagong “Pantasya ng Bayan.”
   
Dinig namin, ang Diyosa ang papalit sa Maligno. Ibig sabihin, ang teleserye ni Anne ang sagot ng Dos sa Dyesebel ni Marian Rivera sa Siyete, although hindi sila pareho ng time slot.

* * *

WALA na ngang makapipigil pa sa 24th PMPC Star Awards for Movies na gaganapin sa AFP Theater next month.
   
Maningning ang Gabi ng Parangal dahil daragsa ang mga paborito n’yong artista at sigurado kaming daragsa rin ang mga tagahanga at kaibigan ni Rudy Fernandez na tatanggap ng Ulirang Artista award.
   
Wish ng PMPC, sana’y gumaling na si Daboy, na hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin sa sakit.
   
Ang balita namin, umuwi na sila ng misis na si Lorna Tolentino mula sa huling pagpapagamot sa Amerika.

* * *

GAANO katotoo ang tsikang nagtatampo ang ilang tauhan ng ABS-CBN kay Vhong Navarro?
   
Hindi raw kasi nagustuhan ng taga-Dos ang sinabi ni Vhong sa concert ng Streetboys sa Tacloban, Leyte, na crush na crush niya ang Kapusong si Marian Rivera.
   
Gandang-ganda raw si Vhong sa dalaga at binanggit pa sa show ang bagong teleserye nito sa GMA-7, ang Dyesebel.
   
Dagdag pa raw ni Vhong, kahit taga-Siyete si Richard Gutierrez at nagkatapat ang shows nilang Lastikman at Kamandag, kaibigan pa rin niya ang anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
   
Never daw niyang itinuring na karibal ang bagong leading man ni KC Concepcion.
   
Himutok daw tuloy ng mga taga-Dos, bakit kailangan pang i-promote ni Vhong ang shows ng GMA-7?