Pops at Jom, break na?
By: Roland Lerum
WALANG umaamin, pero nakikita ang ebidensiya.
Nang huling pumunta sa Boracay si Pops Fernandez, marami ang na-shock na hindi niya kasama ang boyfriend na si Jomari Yllana.
Walang explanation. Basta bigla na lang naging inaccessible si Pops sa mga interbyu. Nakabibingi ang kayang silence. Obvious daw na umiiwas itong mapag-usapan si Jomari.
At totoo ba ito? Sa Boracay, sa piling ng mga kaibigang babae, panay daw ang laklak ng alak ni Pops?
Ano ba ang true? Tapos na nga ba ang lahat sa kanila, as in, break na sina Pops at Jomari?
May ilang nagtatanong, ganu’n daw ba kadaling magsawa ng ex-dyowa ni Aiko Melendez?
Una si Aiko, tapos si Ara Mina, ngayon, si Pops.
Kelan kaya matututong umibig nang tunay ang isang Jomari Yllana?