Sexy actress uhaw sa sex kaya palipat-lipat ng kandungan
By: Ryan Ponce Pacpaco
UHAW sa romansa ang isang kontrobersiyal na aktres sa kanyang mister kaya naman lalo itong natutuksong sumama sa ibang kandungan katulad ng mainit nitong romansa sa isang opisyal ni Pangulong Arroyo na nagkaloob ng “punong-punong” pagmamahal.
Ibinunyag ng isang mapagkakatiwalaang source sa Taliba ang malalamig na gabi ng aktres sa kanyang lalaking kasama sa buhay kaya naman nagiging “maligalig” ito.
“Malalamig ang kanyang mga gabi, hindi na raw mabigyan ng kaligayahan ng kanyang mister kaya mas natutukso sa mga lalaki,” anang source.
Nabatid sa source na ang ganitong bali-balita sa buhay ng aktres ang ginagamit naman na pagkakataon ng mga kalalakihang nakapaligid sa babae para makasama ito sa romansa.
“Iyung mga nakakatunog ng hindi mainit na samahan sa pribadong sandali ng aktres at mister ang sinasamantala ng mga lalaking laglag ang brief sa beauty ng akres,” anang source.
Sinabi ng source na madaling kausap ang aktres basta makukursunadahan rin nito ang lalaking nagnanasa sa kanyang makatulo-laway na kariktan.
“Matindi rin ang body language niyan, kapag okay sa kanya ang lalaki na mabango at guwapo ayos na. Mainit talaga ang damdamin niya para sa mga lalaking nagnanasa sa kanya,” anang source.
Magugunitang nakatikim ng panibagong “cloud nine” sa kanyang buhay ang aktres dahil sa katikasan ng “pani-nindigan” ng opisyal na nagbigay dito ng “punong-punong” pagmamahal ng maging “self-sufficient” dahil sa beauty ng aktres mula naman sa regular na paggamit noon ng wonder drugs.