gud neWs..

  • 2 replies
  • 783 views
a

aiko

gud neWs..
« on: October 05, 2008, 04:06:49 am »
Libre na sa buwis!
Ni Rudy Andal
Wednesday, June 18, 2008

 
Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Arroyo upang maging ganap na batas ang panukalang Tax Relief for Minimum Wage Earners na magkakaloob ng libreng buwis sa mga manggagawang suma­sahod lamang ng minimum.
 
Sinabi ni Pangulong Arroyo na ang Republic Act 9504 ay mag-aamyenda sa ilang sections ng National Internal Revenue Code of 1997. Sa ilalim nito ay hindi na kakaltasan ng tax ang sahod o income tax ng mga minimum wage earners bukod sa tinaasan din ang personal exemptions para sa ibang mga empleyado.
 
Hindi na rin bubuwisan ang holiday pay, hazard pay, overtime pay, at ma­ging ang nightshift differential pay.
 
Exempted din sa pag­babayad ng income tax ang mga empleyado ng gobyerno na ang salary grades ay 1 hanggang 3.
 
Tinaasan din ang tax exemption ng mga single mula sa dating P20,000 ay ginawang P50,000; ang head of the family mula P25,000 sa P50,000; at married na dating P32,000 sa P50,000.
 
Layon ng batas na ma­palaki ang take home pay ng mga ordinaryong mang­gagawa sa gitna ng patuloy na pagmahal ng mga pa­ngunahing bilihin. Nanga­ngahulugan ito ng karag­dagang P30 sa arawang kita o P750 a month na dagdag sa kanilang maiu­uwing suweldo.
 
Halos 87 porsiyento umano ng mga mangga­gawa sa bansa ay suma­sahod lamang ng minimum.
 
Magiging epektibo ang batas,15 araw matapos ma­lathala sa mga pahaya­gan.
 
Kabilang sa mga su­maksi sa paglagda ni PGMA para maging ganap ang nasabing panukala sina Sen. Mar Roxas, Sen. Francis Escudero, Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Ramon Revilla Jr. at House Speaker Prospero Nograles

*

lovely

  • 576
  • Hello there!
    • View Profile
Re: gud neWs..
« Reply #1 on: October 05, 2008, 01:31:22 pm »
THANKS FOR POSTING AIKO.
I'VE GOT THE SAME OLD HEART, WITH A BRAND NEW BEAT.

a

aiko

Re: gud neWs..
« Reply #2 on: October 05, 2008, 06:12:17 pm »
no problem..totoo na ba tong news na to  ::) ::)
matutuwa na c phoebz  ;D