Paggawa ng Hamon½ tasang tubig
7 librang asin
1 librang salitre
5 onsang asukal na pula
Ilang dahon ng laurel
Karneng gagawing hamon
Tunawin ang asin, salitre at ang asukal sa tubig, iyong maging malapot lamang ang labas.
Pakuluin ng minsan at palamigin at kung malamig na ay saka ilagay ang karne na gagawing hamon.
Pagkatapos ay lagyan ng pabigat upang tumindi ang karne.
Palaging babaligtarin upang magkapareho ang alat ng karne.
Bayaang ganoon sa loob ng mga dalawangpung araw.
Bahala na kayo diyan haha. Maligayang Pasko sa lahat!