Jericho, ninakawan ng cellphone sa Malaysia!

  • 0 replies
  • 1129 views
Jericho, ninakawan ng cellphone sa Malaysia!
« on: May 01, 2008, 09:42:39 PM »
Jericho, ninakawan ng cellphone sa Malaysia! 
By: Nitz Miralles 
Basta

Pasalamat siguro si Jericho Rosales na wala siya sa bansa ngayong nakumpirma ang break-up nila ni Heart Evangelista.
   
Kung nandito ang actor, hindi siya titigilan ng press hangga’t ’di nagbibigay ng comment sa nangyari sa love story nila.
   
Tinanong namin ang isang close kina Heart at Jericho kung ano ang nangyari. Ang sagot nito’y “I cannot speak for them. They love each other so much… I would rather mag-usap sila, make them settle whatever.”
   
Hindi makapag-usap nang maayos ang dalawa’t nasa Malaysia si Jericho ngayon at nagti-taping ng soap katambal ang isang Malaysian actress.
   
Pagdating nito ru’n, seven days itong straight nag-taping at binigyan lang ng one-day break.
   
Enjoy ito sa trabaho, kahit maanghang ang food at kahit ninakawan ng cellphone sa bahay ng isang Malaysian.
   
Napansin din ng mga kasama ni Jericho sa Malaysia na ’pag may free time, nagsisimba ito at tiyak na isa sa ipinagdarasal ay ang nangyari sa kanila ni Heart. 

* * *

Tuwang-tuwa si Jolina Magdangal kung matutuloy ang plano ng staff ng Kim Sam Soon na ang kanta niyang Maybe It’s You rin ang gamiting theme song ng local version ng K-novela na ginamit sa original version nito.
   
Kung siya ang pamimiliin ng GMA-7 kung anong Korean novela ang ire-remake, gusto ni Jolina ang Coffee Prince na the best for her.
   
Bago ito ipinalabas, alam na niya, dahil ikinuwento ni Lyn Ching.
   
May paliwanag pala si Jolina sa binuking ni Eugene Domingo na kung wala silang shooting ng I.T.A.L.Y., simba siya nang simba.
   
Hindi raw ang kasal nila ni Bebong Muñoz ang kanyang hinihingi, gaya ng iniisip ng kasama’t gusto lang talaga niyang magsimba.

* * *

Tumango si Gabby Concepcion sa tanong ng press kung for good na ang kanyang pagbabalik at inamin na ring gustung-gusto niyang balikan ang showbiz noon pa man.
   
Nagkaroon nga lang ng culture shock si Gabby sa taping ng Manibela episode ng Maalaala Mo Kaya, dahil nanibago’t 13 years nang hindi umarte.
   
Na-take-two at take three siya, pero nadala sa husay umarte nina Ana Capri at Tirso Cruz III.
   
Ang viewers na ang huhusga kung magaling pa rin siya, basta ginawa niya ang kaya niya sa mga eksenang kinunan ni Direk Jeffrey Jeturian.
   
Mauunang makapareha ni Gabby si Claudine Barretto sa seryeng Iisa Pa Lamang, na naurong sa May 10 ang first taping day.
   
Nabanggit niya sina Bea Alonzo, Anne Curtis at Kristine Hermosa sa Channel 2 talents na gustong makasama at sina Iza Calzado at Marian Rivera sa GMA-7 talents naman.
   
Okey sa kanyang leading lady si Iza sa movie niya sa GMA Films na sabi nito “malamang ’yun ang mangyayari” sa tanong kung uunahin niya itong gawin.
   
Gusto rin ni Gabby na muling makatrabaho sina Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Cherie Gil, Gretchen Barretto at Vilma Santos.
   
Ang hindi lang masusunod sa mga gusto nito’y ang maging intrigue-free ang kanyang comeback.

* * *

Magsisimula nang maghiganti si Salve (Yasmien Kurdi) kay Alfred (Marvin Agustin) sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita, pagkatapos niyang mapanood ang pagkapanalo nito.